On my Official Facebook page, I started my question with #SaanAabot ang 299 pesos mo??? In these times where our money has pakunti na ng pakunti ng value, hanggang saan na nga lang ba aabot ang 299 Pesos natin?
Let's all face it —Ang hirap kumita ng pera pero ang bilis lang nya gastusin. Ang hirap mabuhay noh? kaya nga we really need to learn how to be matipid. We have to be resourceful and make sure that lahat ng pinag hihirapan natin eh super worth it.
Pero parang ang hirap magtipid if mahilig ka mag explore sa pagkain. Pinaganda ko pa ba kung execution ko? haha! Sige, straight forward na nga....
Para sa mga mahilig kumain, here's sharing you something which I recently discovered —A gem in the heart of Las Pinas City, THE SIGSAGA YAKINIKU BUFFET!
ABOUT SIGSAGA YAKINIKU BUFFET
SIGSAGA is located inside BF Resort Village in Las Pinas City. So if you are a #Southie na mahilig magfood trip?? This one is a must try. If you are not a southie but loves Korean Food and Yakiniku, I am strongly suggesting you to try this one out kasi for sure it will be one amongst your for the books na explored lists.
FLEXIBLE OPERATION HOURS:
⏱Monday –Friday
Lunch: 11am - 2pm
Dinner: 5pm - 9pm
⏱Saturday & Sunday
Lunch: 11am - 2pm
Dinner: 5pm – 9:30pm
HIGHLIGHTS:
🔥Korean/Japanese Buffet + unlimited pork or beef Yakiniku + unli red iced tea or four Seasons juice for only Php299 / person - (Saan ka pa, magrereklamo ka pa ba??? )
♥️Shabu-Shabu good for 2 pax for only Php299 inclusive of bottomless drinks
♥️6 pcs. SHRIMP TEMPURA ala cart Platter for only Php129 with Bottomless drinks.
-- and many more.
TIPS AND REVIEW:
Buffet:
Madaming choices yung Buffet —
Japchae, Baby potatoes, Kimchi, Korean Pancake, Sweet and Sour Pork, Bulgogi, basta madami pa. See photos below. For sure, photos pa lang, matatakam ka na.
Wapakels nga pala sila kahit magpailang balik ka pa sa buffet area nila. Yes guys, they won't mind for as long as you will finish your food. They have a clean plate policy so you have to take note of that.
Payong kaibigan: kumuha ka lang ng kaya mong kainin. ‘Wag maging takaw tingin. ‘Wag mo na din tangkain kumuha ng madami tapos wala ka namang balak ubusin para lang makabawi sa ibabayad. Sayang ang pagkain mga mamsh and kuyang. Madami ang di nakakakain.
Unli Yakiniku:
Their Yakiniku is seasoned. You can choose over their Classic, Sigsaga Special, or Honey Glazed.
Masarap lahat lalo na if you will add some spices and sauces. The sauce are available at the buffet table. You may get as much as you wish.
The husby and I preferred the Yakiniku ng medyo toasted, yung medyo crunchy. But guys, it would really depend on you pa din.
Here's a friendly tip: They have mga special sauces available for the Yakiniku to suit your taste. Do remember, the sauces are made readily available para kayo na ang bahala magtimpla according sa panlasa nyo.
Guys ah, baka naman pag nagtry kayo eh magreklamo kayo na maalat o matabang ahhh. Palo ko kayo! Haha! Pero kidding aside, when I tried, masarap naman sya even if kahit nung I have not added any spices and seasoning pa. Lalo syang sumarap when we added and pinaglalagyan ko siya ng kung ano- anong sauce. I clearly remember na parang ayaw namin tumigil that time. Truly, bet na bet talaga namin sya. Shucks! Partida di pa ako marunong magluto ah..
Service:
- They accept advance reservations.
Friendly tip mga mamsh: Call kayo for an advance reservation para ‘wag mabagot sa pag antay sa pila. At dahil patok na patok sila, madalas blockbuster talaga ang pila hanggang labas ng restaurant kasi nga dinadayo talaga sila. Pramis, minsan galing pa yung customers nila sa probinsya. Ayan ha, wag nyo sabihing hindi ko kayo na-warningan. Baka mamaya may maamoy akong mga hugot linya nyong “pati ba naman dito pinag-aantay ako”. 'Wag ganun guysh.hahaha!
Friendly tip mga mamsh: Call kayo for an advance reservation para ‘wag mabagot sa pag antay sa pila. At dahil patok na patok sila, madalas blockbuster talaga ang pila hanggang labas ng restaurant kasi nga dinadayo talaga sila. Pramis, minsan galing pa yung customers nila sa probinsya. Ayan ha, wag nyo sabihing hindi ko kayo na-warningan. Baka mamaya may maamoy akong mga hugot linya nyong “pati ba naman dito pinag-aantay ako”. 'Wag ganun guysh.hahaha!
- Kung magpapa -reserve kayo, take note nyo na may cut-off sila. 10am ang cut-off ng reservations for lunch and 2pm naman for dinner. Beyond that, considered na kayo as walk-in guests on a first come-first served basis. Kaya mga mamsh, para maka-iwas talaga sa pag-aantay, magpa-reserve in advance, owki!
- Friendly and accommodating kung mga staff nila. Pagsisilbihan ka nila ng bongga. Most often than not, nandun yung owners — kaya kung may concern ka sa kanila at nandun si Boss, push mo na.
- May wifi. Pero sa dami ng pagkain, di mo na muna mapapansin ang social media pag nandun ka.
Add caption |
HOW TO GET THERE:
One Princeway Building BF Resort Drive Las Piñas (Across metrobank, sobrang lapit sa guard house, Cecille’s entrance)
🚌By Commute
- From Manila
Just ride a bus, yung TAS Trans, sabihin nyo ibaba kayo sa Cecille’s, tapat ng Casimiro (yun lang wala na akong idea kung magkano na ang pamasahe sa bus ngayon mga mamsh. Tanungin nyo na lang kay kuya conduktor)
- From Alabang or From Zapote
Pwedeng mag jeep or mag bus kung ayaw mainitan.
→Kung galing ka ng Alabang, sakay kayo bus na byaheng papuntang Baclaran/Sta. Cruz. Kung Jeep naman, sakay kayo ng byaheng Zapote or pwede din yung pa-Baclaran. Sigurado yun dadaan yun sa BF Resort. Ganun din, sabihin nyo ibaba kayo sa Cecille’s, tapat ng Casimiro.
→ Kung galing ka naman ng Zapote, sakay kayo ng bus na byaheng papuntang SM SouthMall/ Almanza or Alabang. Kung Jeep naman, sakay kayo ng byaheng pa-Alabang. Sigurado yun dadaan yun sa BF Resort. Ganun din, sabihin nyo ibaba kayo sa Cecille’s, tapat ng Casimiro.
**From there, ride a tricycle sabihin nyo sa sigsaga lang. alam na nila yun. Pwede din lakadin. Promise, malapit lang talaga sa guard house.
🚕By Grab/Uber
- Basta may Uber at Grab App ka at marunong ka makipag-usap kay kuya driver oks na.
🚙By Private Car
- Mag download lang kayo ng waze mga mamsh and you're good to go.
THE VERDICT
Overall we love everrrrrything. Yung Yakiniku, ang sarap sanang hindi tigilan, kaso lang I still believe pa din that everything that is too much is bad. Kaya sinabi ko na lang kay Husby na bumalik na lang ulit kami. Di pa naman siguro yun ang last supper namin. haha!
But seriously guys, we just love that they provided talaga a lot of food choices from their buffet tapos everything taste great pa. I love the sweet baby potatoes din and I may have to commend as well their lettuce kasi ang fresh talaga nila. Alam mo yung when you bite, meron talaga sayang lutong factor.
So ayun. If you guys want to try it too – you know the deets already. I wrote everything above.
If you have any further questions pa or clarifications, you may contact them at Tel: +632 2189586. You may also check out their Facebook page for instant updates or promotions.
Did you like what you read?
Xoxo, 💋
Jaimie
xx THE MERMAID IN STILETTOS xx
All my images copyright to THEMERMAIDINSTILETTOS.COM
No comments:
Post a Comment