MAY pag-asa pa bang makabangon ang mga maliit na negosyo sa gitna ng nararanasang pandemya? Ang simpleng sagot ay oo.
Isa ang BDO Network Bank (BDONB) sa mga financial institutions na tumutulong sa mga tinatawag na micro and small entrepreneurs (MSME) na makabangon muli at maipagpatuloy ang negosyong nasimulan.
Ang BDO Network Bank ay isang financial institution na may mga produkto at serbisyo na tumutulong sa mga teachers at micro and small entrepreneurs (MSME) na matugunan ang kanilang mga pangangailangan at suportahan ang mga negosyong nasimulan.
Sa pamamagitan ng MSME Loan ng BDONB, mabibigyan ng dagdag puhunan ang mga maliit na negosyo, na may kaakibat na magaan na singil sa pagbabayad nito.
“Nais namin bigyang atensyon ang mga maliit na negosyante at makitang lumago muli ang kanilang negosyo. Ang pag-unlad ng mga MSMEs ay malaking tulong sa ekonomiya ng bansa,” paliwanag ni Jesus Antonio S. Itchon, president ng BDONB.
Bukod sa mga MSMEs, may financial solution din ang BDONB para sa mga guro sa pamamagitan ng produkto nitong Salary Loan. Ayon kay Itchon, maraming natutuwa katulad ng isang guro mula sa Mindanao ay pinuntahan ng isang BDONB account officer sa kanilang lugar upang makapag-apply ng kinakailangang halaga. Hindi na kinailangan ng guro na bumyahe at pumunta sa bangko dahil dito.
“Una sa aming listahan ang maging ka-partner sa pag asenso ng kabuhayan at masuportahan ang financial needs ng ating komunidad. Kaya naman patuloy ang pagbubukas ng mga BDONB branches at loan offices sa buong Pilipinas para suportahan ang pangangailangan ng mga customers at upang makasabay sila sa unti-unting pagbangon ng ekonomiya,” dagdag ni Itchon.
Ang BDONB ay ang rural bank subsidiary ng BDO Unibank. Ang linyang “Sama-sama Tayo” ang pangakong pinatutupad ng BDONB sa lahat ng mga customers sa tulong ng mga produkto at serbisyo nito.
Para malaman kung anong financial solution ang nababagay sa iyong pangangailangan, bisitahin lang ang BDO Network Bank PH Facebook page (https://www.facebook.com/BDONetworkBankPH), BDONB website (www.bdonetworkbank.com.ph), o pumunta sa pinakamalapit na BDONB branch.
No comments:
Post a Comment